Saktong uwian na namin nang parang on cue na bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahil atat nang umuwi, lakas-loob naming sinuong ang nangangalit na kalikasan, walang kamalay-malay na may bagyo na pala. Wala pang 5 mminuto at nandyan na ang ka-tandem niyang baha. At kapag nagsama na sila, isa lang ang kalalabasan – trapik.
Magta-tatlong oras na kong nakasakay sa dyip pero malayo pa ko sa dapat kong babaan. Wala naman akong reklamo sa trapik, pero nung nagsimula na kong murahin ng pwet ko, parang bigla kong ginustong maging chairman ng MMDA.
At para naman maibsan ang pagkabagot at para masabi kong worthwhile ang biyahe ko, sari-saring mga bagay na ang nagawa ko:
1. Matulog.
2. Picturan ang mga kasamahan kong tulog.
3. Maki-sing along kay Akon at Cris Brown na pinapatugtog ni Manong Drayber.
4. Gumawa ng mga sentences base sa mg plate number (ex. ILY = ‘I Love You’; UMD = Ur so Maarte, Duh).
5. Wag isiping baka hindi na mapanood ang Boys Over Flowers.
6. Wag isiping naje-jebs na (torture to).
7. Mag-isip kung paano isusulat ang article na to.
Pero sa huli, nauwi rin ako sa paglalakad.*buntong hininga*
So what did I learn today? One word: PATIENCE.
Naalala ko tuloy yung passage na natutunan ko nung high school: “…I asked for patience and God put into situations wherein I have to wait…”
At least ngayon masasabi ko na, patience is finally one of my virtues.