Saturday, October 24, 2009

Extra Challenge

Busyness is next to haggardness, sabi nga ng kaibigan ko noong high school. Makailang ulit ko na ring nasabi dito sa blog na binabasa mo na sa loob ng ilang buwan ay mamartsa na sa entablado para kunin ang pinaka-mi-mithing diploma ang inyong abang lingkod. Sana lang po. Tiwala naman ako sa sarili ko na makakatapos ako, pero hindi ko lang talaga maiwasang mapraning, mangarag at magpaka-hilong talilong sa mga pinag-ga-gagawa (sana tama ang spelling) ko. Partikular na itong linggong ito. Halos hindi na naramdaman ang presensya ko sa blogosperyo dahil mismong pagtulog na ang isinisingit ko sa iskeydyul ko. Pero hindi naman lahat e paghihirap. Marami-rami rin akong natutunan sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Sana lang ay tumimo at kumintal sila sa isipan ko ng mas matagal.

Enrolment

Puro pila, puro pila. Apat ang pila sa cashier. Dun ako humanay sa unang window. Nang mapansin kong mas mabilis ang pag-usad sa katabi kong pila, lakas-looob at garapalan akong umalis at nakisingit sa kaklase ko. Ang problema, ganun din ang ginawa ng iba. Oo nga’t mas mabilis ang kahera namin. Pero mas mabilis ang karma. Dahil pasimple ring nag-lipatan ang mga tao sa linyang siningitan ko, ayun, natubunan din ako. Naunahan pa akong magbayad ng kaklase kong nasa likuran ko sa unang linya.

Moral of the story: Always be faithful.

OJT

Huwebes ang itinakda kong araw ng pagha-hunting ng kumpanyang maaari akong mag-OJT. Miyerkules, iginugol ko ang buong gabi para sa paghahanda sa mga maaaring mangyari kinabukasan. Taimtim kong inaral at isinapuso ang mga dapat at hindi dapat gawin sa interbyu, pati na rin ang mga tanong na posibleng ibato sa akin. Binalak ko ring mag-review kung saka-sakaling biglang may itanong tungkol sa mga napag-aralan ko, pero tinamad ako. Sa kaba at pagod ko ay baka wala ring pumasok sa aking mumunting utak. “I can feel the pressure, it’s getting closer now…” sabi ng Paramore sa isip ko.

Kasama ang dalawa pang kaibigan, una naming pinuntahan kinaumagahan ang isang malaking ospital sa Quezon City (dahil sabi ni Jobstreet). Nangingig na inabot naming ang aming mga resume kay kuyang naka-blue at may braces at saka naghintay na tawagin para sa interbyu. Pero naghintay kami sa wala. Makalipas lang ang ilang minuto ay lumapit siya sa amin sabay sabing, “Kelan niyo pwedeng i-submit yung dalawang 1x1 picture, letter sa school na may pirma ng practicum adviser at X-ray?”

Nagtinginan kaming tatlo. Pasok na tayo? sabi ko sa isip ko. Walang effort.

Moral of the story: Believe in yourself. Wala lang.

Sa darating na Martes ay simula na ng bago kong pakikipag-sapalaran sa magulong mundo ng HR.

30 Comments:

Xprosaic said...

Wee! naku namiss ko na ang mahaba at mainit na pila sa cashier... yung tipong mapapamura ka sa sobrang bagal ng araw... ahahahahhahahaha...

Saka gudlak sa OJT! naks! feeling working na talaga ah... jijijijii

Badong said...

haha! oo nga e! pero mami-miss ko talaga yung pila. last enrolement. haay.

Vajarl said...

Namiss ko bigla ang mga panahong hagardness ako dahil sa tambak ng schoolworks at OJT works. Haha.Rakenrol Badong! Malapit na! Mapapabilang ka na saming mga manggagawang pilipino. Hehe. Sana makaya mong tagalan ang HR. Tsk. Sinukuan ko na yun eh. Lol

Ano ba talaga spell ng enrollment? Enrolment? O dobol l? Kumusta naman hanggang ngayon di ko paren alam. Honestly, college ko pa yan tinatanong sa mga kaklase ko tas walang sumasagot saken ng seryoso. Haha.

gillboard said...

saya naman ng job hunting niyo. samin dati pahirapan, parang hanap talaga ng trabaho. nakailang interview na pagkahirap hirap.

sigh.

oh well... good luck!!!

Badong said...

VAJARL: sana nga matagalan ko ang HR!LOL at manggagawang Pilipino. hehe. Hindi ko rin napansin yang enrolment na yan. pero wala namang pulang linyang lumabas sa word kaya baka yun na yon! ahehe

GILLBOARD: ay mabuti ga talaga at hindi naging ganun kahirap. salamat ng marami!

Leomar said...

Gudlak sa OJT mo, Badong! Nakaka-miss nga yung pag-e-enroll, parang gusto ko tuloy bumalik sa school hehehe. Wala lang.

Badong said...

LEOMAR: salamat Leomar! mami-miss ko talaga tong school!

Badong said...
This comment has been removed by the author.
gege said...

woi!

gudlak sa inyo sa tues!!!
anu ba yan...
ang introvert ko,
wala akong friend.

haist,
di bale!!!
mind setting lang yun!
db?db?

GOGOGO GODBLESS!
:P

pmm012 said...

ayan na! malapit ka nang mapabilang sa hanay ng mga taong kumikita, gumagatos, at walang naiipon.. hahahah. good luck repa, may the force be with you, and a little luck too...

Badong said...

GEGE: buti pa kami tatlo nandun. hehe

PMM: oo nga e! lapit na! woohoo!

RHYCKZ said...

good luck sa new phase of being a student...ang OJT, taga-PUP(philippine univ of the phils) ka ba...kase yung kapitbahay ko nghahanap din ng mappagpractiCUMan, same sau kelangan sa may HR.

just wanted to share, sa TIM ako ngOJT, yun company n gagawa ng mga automated voting machine b yun, sumwer in makati.

anyways, GOOD luck & GOD bless...

Badong said...

SCOFIELD: aba opo! sino ba yang kapitbahay niyo? hehe

RHYCKZ said...

sigurado ako 101% magkakilala kayo, kase pagvisit ko sa facebook ko, andun ang mukha mo...hehehehe

good luck tol, mabait n bata at matalino yng kapitbahay ko na yan...

Badong said...

SCOFIELD: sino nga? ahaha! na-curious ako bigla.

gege said...

ay??? talagang nang aasar ka pa??? lam mu ba close ko na mga guard dun! ahahaha! pati si manong na tagaXEROX...
barkada na kami...

ahahaha!!!

kalungkot.
pero oki lang...

GO FOR THE GOLD!

:P

Xprosaic said...

Ay tama pala... huli na pala yun... naks! inaalala ko tuloy ano ginawa ko on my last year?....hmmm.... alam ko lang I had a blast! jijijijiji... sana ganun din kau! jijijijiji... have fun and be merry while continue to be a good student... Xempre mahirap nang maudlot pa... sayang! jijijijijiji

jan geronimo said...

Konting tiis na lang, Badong. Malapit na. Someday you'd look back at these frenetic days and mapapangiti ka na lang kasi you've overcome it with flying colors.

OJT? Suggestion, friend. Sa Facebook maganda dun, mag eenjoy ka pa. LOL

RHYCKZ said...

hahaha...alam ko na tuloy ang pangalan mo tol...

siyetehan said...

di bale, makaka martsa ka rin!

yakang yaka mo yan!

Anonymous said...

True, I suddenly missed my college days kung saan inaabot kami ng gabi kapipila sa pagkuha ng classcards, pagpili ng subjects, pagpapacalculate ng bayarin at sa pagbabayad.

And true: it pays to be faithful kapag nakapila ka dahil (hindi ko naman alam kung bakit) mas madalas na ung pila mong nilipatan e mas mabagal pa dun sa pila na inalisan mo. Murphy's Law perhaps?

Congrats sa OJT mo. I know you'll do well. (Karamihan sa mga nag-o-OJT, nabibigyan ng job offers afterwards. Maximize this opportunity, Badz. I wish you well.)

Badong said...

XPROSAIC: tama. chinecherish ko na nga ang mga huling sandali ko sa skul e. ahehe

JAN: thanks Lolo Jan! kahit walang honors, with flying colors pa rin akong ga-graduate!
Facebook? Magandang suggestion yan! hehe

Badong said...

SCOFIELD: sino ba kasi yun? add mo nga ako sa fb!ahehe.

SYETEHAN: salamat! salamat! kayang-kaya ko to!

ISLADENEBZ: Murphy's Law. Ah, yes. I actually had to research on that. hehe. At least I learned something new again. lol. Thanks Kuya Nebz! sana lang talaga nag-aabsorb sila!

elmot said...

Grabe, dikdikan na ang scheds mo bro ah...hay, pawisan na naman sa mahabang pila na tila naghihintay ng rasyon ng nutri bun, ehhehhe!

moral of the story: mag deodorant, LOL!

best of luck sa OJT! Kudos Bro!

Badong said...

ELMOT: thanks Bro! oo dapat talaga ready ka sa mga pagkakataong ganito! hehe.

AL Kapawn said...

palagay ko maging magna ka.

magna-nine years na eskwelahan.. ha ha ha jowk.

Badong said...

MAGNA: ahaha! nakow wag naman sanang mangyari yun! may dilang anghel ka ba? sana wala! salamat sa pagbisita!

Badong said...

ALKAPON: este Alkapon pala! hehe

Unknown said...

zhengjx20160523
michael kors handbags
michael kors outlet online
michael kors bags
coach factory outlet online
coach factory outlet
cheap jerseys
kobe 10
adidas superstar
tory burch shoes
true religion jeans
true religion outlet
ralph lauren outlet
coach outlet store online
coach outlet store online clearances
ray ban sunglasses
michael kors bags
oakley outlet
gucci outlet
adidas running shoes
retro 11
tory burch outlet
coach factory outlet
kobe 8
michael kors outlet
ralph lauren
tory burch boots
polo ralph lauren
tory burch outlet online
air jordan 4
coach outlet online
louis vuitton handbags
coach factory outlet
louis vuitton purses
louis vuitton outlet
jordan retro 13
coach outlet
coach outlet online
toms wedges
gucci handbags
christian louboutin shoes

cotton razai online said...

Puro pila, puro pila. Apat ang pila sa cashier. Dun ako humanay sa unang window. Nang mapansin kong mas mabilis ang pag-usad sa katabi kong pila, lakas-looob at garapalan akong umalis at nakisingit sa kaklase ko. Ang problema, ganun din ang ginawa ng iba.
limelight winter stitched collection 2020
limelight eid collection stitched 3 piece