Balik Taglish na naman ang blog ko.
Kagabi, habang nag-aayos ako ng isang drawer ay nakita ko ang mga lumang report cards ko mula kinder hanggang elementary. Hindi maiwasang maging nostalgic, kinuha ko ang maga 'yon at sinimulang basahin. Bukod sa nakaka-nginig na NI (Needs Improvement) na grade sa Christian Living noong kinder, higit na nakaka-sindak ay 'yong mga komentong natanggap ko mula sa aking mga pinakamamahal na mga guro. Ito ang top 10 sa kanila:
1. Minimize talkativeness.
2. Avoid being mischievous.
3. Iwasan ang laging nakikipag-away sa kaklase.
4. Makinig lagi sa guro. Ayusin ang pagsulat.
5. Sikaping matapos ang mga gawain sa takdang oras.
6. Magulo sa klase.
7. Maiwasan [sic] ang pakikipag-daldalan sa katabi upang maunawaan ang pinag-uusapan.
8. Dagdagan pa ang sipag at tiyaga sa pag-aaral.
9. Sikaping makilahok sa mga talakayan sa klase.
At ang pinaka-malupet..
10.
Kung personal mo akong kakilala malamang ay magugulat ka rin sa mga nakasulat sa taas. Pero ganyan talaga ako noon. Kahit ako mismo 'di makapaniwala.
Pero kung ano man ako ngayon, malayo 'yon sa taong minarkahan ng mga guro ko noon. Unang-una, hindi naman ako tamad mag-aral. Sa katunayan, gustung-gusto kong matuto. Gustung-gusto kong lamanan ang utak ko. Tamad lang talaga akong mag-klase. At hindi porke mistulang pinahiran ng ketchup ang report card mo, nangangaluhugang wala na ring laman ang ulo mo. Ang tagumpay ng tao, nasa kakayahan niyang bumangon sa mga pagkakamali at baguhin ang kanyang sarili.

27 Comments:
Hahahahahahaha marami na tayong mga pasaway maliit pa lang... pero ganun talaga... Saka sabi mo nga kung ano man tayo ngayon ay malaking parte kung ano man tayo noon... Ang importante natto tayo sa lahat ng pagkakamali na nagawa natin at pinipilit na maging tuwid ang landas na tinatahak.... Naks! Kaso masarap naman din paminsan minsan eh magswerve para may kulay jijijijijijiji
I was too naughty when I was a kid, yes talkative ako at malikot masyado, hahahaha - at laging napapalo sa palad ng mga titser sa public skul.
Nice post kaibigan.
At yan din ang madalas kong sabihin sa mga pamangkin ko especially if they're being pressured to excel.
Sabi ko: Hindi importante ang magkaroon ka ng honor sa klase. Ang importante matuto ka.
Ganyan din halos ang mga comments ng naging teachers ko sa elementary report cards ko.
funny, but did spring cleaning of my closets and saw the same things...my report cards from kindergarten till 3rd year high school. at dilaw na silang lahat...
Pero di ako napapunta sa Principal's Office o napagsabihan ng "stand in the corner" ni teacher-teacher. he he he
mabait kasi akong bata :-P
hi badong! dahil sa entry mo na to napakalkal tuloy ako sa drawer ko para tignan ang grades ko nung elementary at highschool...
ang masama nito... hindi ko sila makita.. LOL naiwan ata sa bahay ng ex ko.. :P
have a nice day!
baligtad naman tayo... ako nung bata mabait... tinubuan lang ng sungay pagtanda... hehehe
I AM XPROSAIC
Tama! Hehe..sabi nga nila, para mas may spice ang buhay.
THE POPE
Hehe.. buti naman hindi pa nangyayari saking mapalo ng teacher. Kung ginaw niya sakin yun pp-Imbestigador ko siya. LOL. Salamat po!
ISLADENEBZ
Hindi talaga tamang pine-pressure ang mga bata sa pag-aral. Mas magandang isipin nilang ang pag-aaral ay isang nkaalilibang na gawain at hindi isang requirement na kailangang gawin.
Mg pasaway din pala tyo nung bata. Hehe
SOLACE2009
Hehe. Naalala ko, napapunta in pla ako sa prinipl’s office nung high school. Ang kaso: VANDALISM. Pero mbait din talga akong bata tulad mo. Hehe
JEN SQUARED
Sayang di mo nakita! Pero masarap talaga mag-reminisce pminsan-minsan.
GILLBOARD
Haha.. ko yung sungay ko pasulput-sulpot.
kakatuwa naman ang entry mo. masarap nga balikan ang buhay estudyante. nakatago pa din report card ko mula gradeschool gang highschool pati na rin mga class cards ko. hehehe
BAMPIRAAKO
oo tama ka. itapon na ng nanay ko lahat ng gamit ko wag lang yung mga bagay na nag-papaalala sakin ng buhay estudyante ko.
ako nung bata mabait..naging pasaway na lang nung lumaki..
totoo!
ako... matalino ako nung kinder hanggang high school
pero tinamad ako nung college
hehe
pero sabi mo nga
ang mga pagkakamali ang nagtutulak sa atin upang pagbutihin ang mga susunod na gagawin
Hello!
warm greeting from bike lover!
hahahaa! Okay yung mga suggestion at observations sa iyo ng mga guro mo ah. Tulad din ako ni gilbert...mabait ako nung elementary, ehem at hanggang ngayon pero hindi kasing bait noon.
Nice post pare. Sana naitago ko rin yung mga report card ko nung elementary. Naitago ko lang kasi puro classcards ko nung college.
At hindi porke mistulang pinahiran ng ketchup ang report card mo, nangangaluhugang wala na ring laman ang ulo mo. Ang tagumpay ng tao, nasa kakayahan niyang bumangon sa mga pagkakamali at baguhin ang kanyang sarili.dat's beri rayt! para sa akin, walang taong bobo. kaya nagiging bobo ay dahil na rin sa mga nakapaligid sa kanya. lahat ay may kanya-kanyang talento at gift.
NAKS!...galing ng mga TOP TEN mo ahh..hahahaha.
Hindi porke mababa ang grades mo ay di ka na aasenso..at kung madaldal ka nung maliit ay tatahimik ka na pagka may bait(matured)..kaya diskarte lng yan sa buhay...
tama ba pareng BADONG?
CRISIBOY
Hehe..sbi ko nga yung ungay ko pasulput-sulpot. Pero most of the time naman mabait ako. Lol
PCHI
Apir tayo dyan!
BIKE LOVER
Thanks!
MOKONG
Oo! Dpat talaga tinatago natin yung mga bagay na nag-papaalala satin ng buhay estudyante.
BING
I couldn’t agree more. :)
VHINGF
Tamang-tama!
nice one badong... hehehehe... I'll try to check out kung ano yung nakasulat dun saken... :) thanks for sharing... :)
dropped by!
wow! natago mopa yan! c:
REY, JOSHMARIE, ICEAH
Hehe..salamat sa mga koments! Kamusta naman ng mga buhy estudyante niyo?hehe
sa susunod mong ilagay buhay after mong maging istudyante..lolz
ako di ko na nais pang balikan ang buhay estudyante ko heheh di masarap balikan kasi hahah
CRISIBOY
Hehe..pwede rin.
ENHENYERO
Bakit naman? Sigurado meron din dyang masarap balikan.
hahaha may gnyan dn ako,puro nga needs improvement
HARI NG SABLAY
Hehe..andami talaga nating pasaway sa mundo.
russell westbrook shoes
stephen curry shoes
nike air max 2017
golden goose sneakers
jordan shoes
zx flux
christian louboutin outlet
nike foamposite
longchamp
yeezy
Louis Vuitton fake Bags d61 l9p20m5d16 buy replica bags z26 y5n45k9a05 best replica bags g85 f0m69x1d05
Post a Comment