[Note: Kagabi pa talaga tong post nato kaso dahil sa nawalan kami ng Internet connection, ngayon ko lang siya na-publish.]
Saktong uwian na namin nang parang on cue na bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahil atat nang umuwi, lakas-loob naming sinuong ang nangangalit na kalikasan, walang kamalay-malay na may bagyo na pala. Wala pang 5 mminuto at nandyan na ang ka-tandem niyang baha. At kapag nagsama na sila, isa lang ang kalalabasan – trapik.
Magta-tatlong oras na kong nakasakay sa dyip pero malayo pa ko sa dapat kong babaan. Wala naman akong reklamo sa trapik, pero nung nagsimula na kong murahin ng pwet ko, parang bigla kong ginustong maging chairman ng MMDA.
At para naman maibsan ang pagkabagot at para masabi kong worthwhile ang biyahe ko, sari-saring mga bagay na ang nagawa ko:
1. Matulog.
2. Picturan ang mga kasamahan kong tulog.
3. Maki-sing along kay Akon at Cris Brown na pinapatugtog ni Manong Drayber.
4. Gumawa ng mga sentences base sa mg plate number (ex. ILY = ‘I Love You’; UMD = Ur so Maarte, Duh).
5. Wag isiping baka hindi na mapanood ang Boys Over Flowers.
6. Wag isiping naje-jebs na (torture to).
7. Mag-isip kung paano isusulat ang article na to.
Pero sa huli, nauwi rin ako sa paglalakad.*buntong hininga*
So what did I learn today? One word: PATIENCE.
Naalala ko tuloy yung passage na natutunan ko nung high school: “…I asked for patience and God put into situations wherein I have to wait…”
At least ngayon masasabi ko na, patience is finally one of my virtues.

31 Comments:
gawain ko nman pag nasa trapik, mag-isip ng word mula sa plate ng mga sasakyan...hindi acronym kundi abbreviation ang ginagwa ko...sample... BRY = Barangay, etc...hehe
Wow! "Patience is a virtue!" May gawd! May virtue ka na! jowk! jijijijijiji... Buti na lang nakauwi na ako bago pa man dumating yang bagyo na yan! jijijijijiji...swerte ko talaga!
MOKONG: oo yun din yung ginagawa ko dati. kaso medyo tinaas ko na ng konti yung level. hehe
XPROSAIC: akalain mo yun? sa lahat ng imo-motto ko patience is a virtue pa...
pag traffic... madalas gawain ko... kunin yung first letter ng mga plate number hanggang sa makumpleto ko ang alphabet..
walang kotseng may plate number na nagsisimula sa letter I, O, at Q.
GILLBOARD: uy talaga? nice one! di ko alam yun a.
I agree, patience is something talaga to be learned badong, lalo na sa Pinas. :(
SNOW: ay talaga sinabi niyo pa.
ang haba ng patience mo badong! lalo na yung number 6 mo tapos naglakad ka pa tsk tsk! dapat bigyan ka ng award :D
JEAN SQUARED: Haha! Sa tagal ko sa dyip parang bigla na lang syang nawala. Kadiri.
gawain ko pag traffic, panoorin ang mga nakakasakay kong inis na inis sa traffic, at bumubulung-bulong pa, sabay buntung-hininga at puro 'tsk!' ng 'tsk!'
lihim akong natatawa, kasi sa tutuo lang, hindi naman makakatulong yun, tatanda lang sila hehe...
this is the regine -micheal similarity blog entry i posted before. ahahaha! pareho tayo ng iniisip.
http://nobe112681.blogspot.com/search?q=regine
ROY: haha! totoo! kung gusto nila sila na lang ang mag-maneho.
NOBE: haha! salamat sa link. naku, nakakatakot.
Bukod sa paglalaro ng snake sa celphone, hehehe. Pag-traffic, ito ang best time para magmumuni-muni, soul-searching ika nga.
LEOMAR: totoo yun. Favorite spot ko nga yung sa dulo ng dyip e. para akong emo. hehe
Sabi mo you've acquired patience. Pero sa palagay ko you've proved something else: You're a very creative guy.
Look at this post. If I were in your shoes, iisa lang kalalabasan nyan. Nagkandasalasalabid na mga kilay. At mabahong paa - gawa sa baha. lols.
I love this: Ur so Maarte, Duh).
And this one: Picturan ang mga kasamahan kong tulog.
This one puzzled me: Wag isiping baka hindi na mapanood ang Boys Over Flowers.
Overall? Well done. Sumugod ka uli sa bagyo at baha ha? Ahahaha
JAN GERONIMO: woah! this comment took me by surprise. salamat! don't worry, next time na umulan. hehe
3 hours?? tindi nman ng trapik n yan.. anyway, listening to music ung karaniwang ginagawa ko pag bumabyahe... nkakawala ng inis kapag may heavy traffic.. ^_^
KELVIN: oo 3 hours! parang gusto ko na ngang ipatangal yung gluteal region ko nun e.
great blog and nice work
SHAYAN ARSHAD: thanks!
hi bads! natapos mo na bang panoorin ang boys over flowers? yung korean version with english subs?
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
NOBE: hindi e. di ko kasi trip yung mag-aadvance ng panunuod tsaka tamad ako magbasa ng subtitle. hehe
naku mahirap tong... patience is a virtue... pano if nagiinit ka.. waaaa..
tol tinag kita sa isang photo tag...
haha! sobang nakakarelate naman ako dito!
pero will patience remain a virtue kung talagang jebs na jebs kana?!
mapapakanta ka nlag ng "sa bukid walang papel..." ehehe
BATERYA: uy salamat!
ELMOT: haha! buti na nga lang at nawala siya bago pa ko 'sumabog' sa galit.
kakadiscover ko lang ng blog mo.. naamaze ako kaya bigyan kagad kita ng award.hehe hope you can visit my site. salamat!
PINKNOTE: wow! ang bilis naman! salamat a! bisita ka uli dito.
oh yessss.
kilalang kilala ko.
haha. :]]
SI ATE ANGGE.
ANG NAGIISANG ATE ANGGE.
alam ko ang istorya nyo.
haha.Lol. :]]
saludo ako sayo. very productive ka naman sa loob ng 3 oras, madami dami ka ding nagawa. ahihihi.. :)
kung ako yun, tulog lang ako. ahahha. bawi pagod. ;)
GIE: oo kasama na rin yung tulog dun. pero sadyang di na kinaya ng 'behind' ko kaya di ko na rin matuloy yung tulog. salamat sa pagbisita!
r0t96d6n10 q0a73h8w55 u6u41b3t22 b1y08c0t00 b5m75t3c70 a9x84l1y11
Post a Comment