Thursday, June 4, 2009

Mga Gawain Sa Dilim

Brown out.

Isa sa mga pinaka-ayaw ko sa lahat ay kapag brown-out. Pinaka-matinding dahilan ay dahil walang kuryente (obvious?), ibig sabihin, hindi ako makakapanood ng TV, hindi makakagamit ng electric fan, hindi makakapag-computer, hindi makakapag-radyo (buti na lang meron sa cellphone) at hindi makakapag-charge ng cellphone.

Kaya naman kapag mga bata, kanya-kanyang gawa ng paraan para maibsan ang pagka-bagot. Hindi syempre pwedeng mawala ang taguan. Da best yan lalo na ‘pag gabi at madilim! Syempre mas mahirp ang hanapan, kaso, kaso mas mahirap din ang maghanap ng tataguan.

At dahil nga madilim, kasama dyan ang kwentuhan ng nakakatakot. Mas nakaka-kilabot kasi ang ambience. At pagkatapos ng kwentuhan, tuloy naman sa ‘aswang-aswangan’ (wholesome an laro po ito!).

Nasubukan na rin namin ang maglibot sa buong village na para bang nagpi-People Power. Nag-karera na rin kami sa dilim. At kapag pagod na ang lahat, gagawa naman kami ng show mula sa mga anino ng kamay naming kinorteng mga hayop. At kapag wala pa ring kuryente, yung luha naman ng kandila yung pag-iinteresan. Hindi namin gusto ang brown out pero masaya kami.

Pero ngayon iba na. Mas boring na ang brown out. Ako, walang ginagawa kundi matulog. Yung mga dati kong kalaro naman, ayun nagtataguan pa rin kasabay ang pag-aaswangan’. Na-realize ko na kapag bata ka, mas naa-appreciate mo yung mga simpleng bagay sa mundo. *buntong hininga*

Pero hindi naman ako laging tulog kapag brown out (nakakapagod din kasi minsan matulog). Tulad ngayon, walang kuryente ¬¬¬(pesteng ulan yan), nakagawa tuloy ako ng post ng biglaan.

19 Comments:

Xprosaic said...

Wehehehehe halos pareho lang pala tayo ng ginagawa pag brown out kaso ngayon kapag brownout nakakapag computer pa rin naman ako hanggang 2 1/2 hours jijijiji... Anyway, about sa masters, depende talaga nagkataon lang kasi na maganda ang grupo kung saan ako napabilang... Nagtutulungan kami pero hindi nagkokopyahan, bawal sa amin ang excuse na busy dahil obvious naman na busy ang lahat, nagkakaroon minsan ng alitan sa grupo pero naayos din naman... pero higit sa lahat minomotivate namin ang isa't isa na tapusin at pagandahin ang mga papers... Ang importante naman talaga yung matuto ka at maaply mo ang mga natutunan mo... But I really recommend everyone to take masters degree not because they need for their work (promotion)but because they want to learn more...Sige magmasters ka na!

EngrMoks said...

Tuwing brownout...wala kong ginagawa kundi pumayag kay Niña (misis ko) makipaglaro ng UNO card o kaya monopoly..yun lang yung time na pumapayag ako..hehehe! masayang masaya yun pag brownwout...

Mar said...

Kahit pa brownout, mahirap ding matulog pag walang electric fan o aircon (para sa sosyal). Buti sana kung malamig ang panahon.:)

gillboard said...

kung walang ulan.. pag brown out bonding moment namin yan ng mga kababata ko... pag umuulan naman... tulog lang... sarap matulog...

Badong said...

XPROSAIC: haha! Parang produkto lang yuung masteral degree na pino-romote mo a. salamat! Salamat!

MOKONG: hindi ba masakit sa mata yun? Hehe

LEOMAR: buti na nga lang at malamig at mas mabuti na hindi umabot ng gabi yung brown out samin. Haay.

GilLBOARD: minsan sinubukan kong matulog ng isang buon araw na brown out, ayun! Sumakit ulo ko kaya natulog uli ako.

ceblogger said...

bumalik amg ilaw. sandali lang ang brown out sa amin. sayang daw! akala ng iba uwian na kasi wala generator.

Badong said...

CEBLOGGER: haha! Sayang nga yun! Salamat sa pagbisita!

Snow said...

naku ayoko ng brownout kasi hindi na tayo makaka-internet. :(

jan geronimo said...

Sindi ng kandila, basa ng libro. Balik libro pag brown out. Okay lang. Mauubusan ka lang ng dugo pag nag obsess ka sa pagkawala ng kuryente. At tama lang naman, simula nang nauso ang internet kumunti na libro na nababasa ko. ",)

Roy said...

ang mga anak ko, natutuwa rin kapag minsan kapag brownout, lalo na yung bunso ko.

bakit?

siyempre, aalis ako sa harap ng computer ko (no choice e), walang tv. andun kami sa isang sulok at nagku-kwentuhan.

minsan naman jamming kami sa gitara. mahihilig kasi sa music mga anak ko e.

wag lang wrong timing, masaya din kung minsan ang brown out ;)

ark said...

Kapag brownout eh nakakatulog ako ng maaga. Kaya lang napakainit dahil walang electric fan, hehe..

Badong said...

SNOW: tama!tama!

JAN GERONIMO: napansin ko rin yun.simulka nung nag=blog ako umonti na rin yung mga nababasa kong libro. may 2 nga kong binili na hindi ko pa nabubuklat.salamat sa bisita!

ROY: dapat talaga maging bonding time din ng pamilya ang brown out. hehe

ARK: buti sana kung magba-brown out ng december. ayun wala akong masyadong reklamo dun. hehe

Earthling Chic said...

Waaa nooooooo.

HAHA hindi ako pwede sa walang koryente. Walang magawa. SUPER BORED. Ayuko din matulog, mainit eh haha :)

Badong said...

EARTHLING CHIC: haha. same here. perwisyo talga ang brown out. dalawang bese na ngang nag-brown out dito e!

iceah said...

hehehe :p oo nga nakakainis pag brownout dito nagkakantahan nalang kami c:

by the way thanx for dropping by c:

Badong said...

ICEAH: oo nga po e. sabi ko nga, magandang bonding time din ng pamilya ang brown out.

Anonymous said...

Ay, true!

When we were kids, my sister and I will do a short program habang nasa harap ng kandila. Kantahan ba, while my parents are listening.

Parang ganito: The first part of our program is by Nebz. What are you going to sing Nebz? Bakit ako mahihiya? Okay. Here's Nebz singing Bakit ako mahihiya?

Ganun.

Nakakatawa.

"Na-realize ko na kapag bata ka, mas naa-appreciate mo yung mga simpleng bagay sa mundo."

Ditto.

Badong said...

ISLADENEBZ: haha! Oo tama, naalala ko ginawa na rin namin yan dati. Ang sarap talaga bumalik sa pagkabata.

single razai said...

Nasubukan na rin namin ang maglibot sa buong village na para bang nagpi-People Power. Nag-karera na rin kami sa dilim. At kapag pagod na ang lahat, gagawa naman kami ng show mula sa mga anino ng kamay naming kinorteng mga hayop.
velvet fitted bed sheet
velvet bed sheet price