Tuesday, August 11, 2009

Oh, My Nose is Bleeds!

Noong unang panahon nagbibiruan kami ng mga kaibigan ko tungkol sa isa naming kaklaseng mali-mali ang grammar pag nag-i-Ingles. Ang lakas ng loob kong sabihin, “Haha! Wrong grammar naman siya!” Biglang sumagot ang isa kong kaibigan at sinabing, “Mali! Dapat grammatically incorrect.” Kabog.

Tayong mga Pilipino, ang lalakas manlibak ng kapwa lalo na sa pagsa-salita ng Ingles. Mamali ka lang ng pronounciation (Hep! Hep! It’s proNUNciation) o kaya ng gamit ng subject-verb agreement para ka ng lumabag sa batas. Kala mo kung sinong kay gagaling.

Meron din akong mga kilala (karamihan mga artista) na ang fluent mag-Taglish, pero kapag pinag-salita mo ng purong Ingles na nagkaka-buhul-buhol na ang mga dila. At kadalasan, sa kanila rin nagmumula ang mga matatalas na komento tungkol sa pagsasalita ng ibang tao.

Tulad nga ng nabasa niyo sa itaas, aminado rin akong gawain ko yun minsan (para kila Marvin at Jericho, please forgive me). Pero hindi, as in, HINDI perpekto ang Ingles ko (kaya nga pinili kong isulat itong entry na to sa Filipino). Sa katunayan, hindi na mawala sakin ang pagiging wrong grammar, este, grammatically incorrect kung minsan. Patunay nyan ay itong mismong blog na binabasa niyo.

Bakit nga ba ganon tayo? Sabagay, second language natin ang Ingles. At minsan na rin tayong naging pinaka-magaling sa paggamit nito. NAGING pinaka-magaling. Noon, kapag may nagtanong ng Ingles, merong sasagot ng purong Ingles din. E ngayon? Kapag may nagtanong ng Ingles, merong nino-nosebleed.

Hindi ko sinulat to para pangaralan ang ibang tao. Sinulat ko to para “sipain sa pwet” ang sarili ko. Ganyan na tayong mag Pinoy e, past time na natin ang manlait ng iba. Pero ang sa akin lang, sinisimulan ko ng baguhin ang ugali kong yon. Sabi nga, tignan mo muna ang sarili mo bago mo punahin ang ibang tao.

PBA0977225ps

54 Comments:

havenlei said...

kapag magaling daw sa enlish eh nakaaangat na sa karamihan. kaya kapag nag english ka sa pakikipag usap sa ordinaryong tao eh para bang sikat ka na at nanliliit naman ang kumakausap sayo.

sna nga bago magcorrect ng pananalita/pagsusulat ng ingles ng ibang tao siguraduhing bihasa sa wikang banyaga na gaya nun.

Leomar said...

Hehehe title pa lang, panalo na! Ewan ko ba kung bakit ang hilig nating manlibak ng kapwa natin, di naman nakakatulong ito sa pag-unlad ng bayan.

Roy said...

ganun pala dapat yun!

"grammatically incorrect"

mali pala yung "wrong grammar" hehe...

may natutunan na naman ako!

Salamat Badong! ;)

fatherlyours said...

oo nga, tama ka. Ganyna mga anak ko manlait. Hindi ko alam kanino nag mana.Ang lalakas mang alaska.

zorlone said...

Oh my gulay!

Badongskie, pakisabihan ako kung balikubaliko ang grammar ng mga tula ko. Pilit ko pa naman gamitin ang pure English. He he he. Pero wag sa comment section, Ouch! Masakit yun pare. LOL.

So, di ko alam na may mga personal friends ka pala na mga artista. Hanep! At good thing you are in speaking terms with them, I guess you can always tell them what you think, huh? Ooops, I got carried away. Ayan, titigilan ko na muna ang pag e-English at baka masilipan ng butas.

Cool post. Di ako nag nose bleed masyado. Dun lang sa simula.

Kagaya ni Roy, alam ko na ang sasabihin ko next time.

Z

Anonymous said...

Napahalakhak naman ako sa pamagat! (O tagalog yan ha).

Pansinin mo ito: Mas madalas kaysa hindi, mali rin naman ang paggamit natin sa Tagalog. Hindi lamang natin napapansin dahil salita natin ito.

Minsan nga, mas nababastardize ang Tagalog natin kaysa Ingles.

Kung tutuusin (sariling pananaw ko ito ha), mas bilib ako sa mga magaling magtagalog kaysa magaling mag-Ingles.

(Kailanma'y hindi ako napabilib ng mga taglish na salita. I dunno. I just don't like them kasi e.)

:-)

Nice post, Badz. (Icheck ko nga ang post ko at alam kong guilty ako sa pagkakaroon ng maling English).

baterya said...

ako nga may kaibigan hahahah... sabi nya sa nagtatanong na taxi ng way papunta sa isang street

"as much as possibe... pero as better.....(blah blah)...

yup yup ganyan tayong mga pinoy kasama na sa kulutra o genes natin yan hahahahaha

Superjaid said...

honestly, hindi talaga ako komportableng magsalita ng english, hehe pero mas napapabilib talaga ako ng magagaling magtagalog..sa kanila talaga ako nanonosebleed..Ü

neway, back to the topic, normal na sa ating mga pinoy na manlait at manosebleed sa mga nagsasalita ng ingles dahil na rin siguro sa colonial mentality..

Xprosaic said...

Para sa akin okay lang na manlait ka sa iba sa mali nila pero dapat kapag ikaw naman ang lalaitin ay di sasama ang loob mo... kung magagawa mo yon eh di pwede ka na manlait... jejejejejejje... ganun lang siguro talaga ang mga Pilipino malakas maghanap ng mali ng iba pero pag ang sarili na ang pinupuna todo tanggi naman at lumalaban pa minsan kahit mali ginagawa pang tama... jejejejjejje...

Abaniko said...

Minsan may narining akong mnagtanong,"Sino'ng pangalan mo?" Walang nag-react. Pero isalin mo yan sa Ingles at naku papatayin ka sa kutya ng mga makakarinig sa yo.

deejay said...

nagpaparinig ka ba badong? nyahaha!(tinamaan ako dun a.) :P

totoo, inaamin ko, isa ako dun sa mga mapanlait sa mga wrong grammers (sinadya ko yan ha. hehehe) :P

it's true that language is for communication, and regardless of the grammatical errors we commit, the whole point of speaking any language is to get our message across.

if in the process we mangle the english language, then that's fine. we all have our ways to communicate with each other.

but if people laugh at you for not communicating well, then that's also fine. perfection is not a human virtue and it never will be.

my policy is to laugh at all human follies and imperfections, no matter how silly, how shallow, how petty, how scandalous.

this doesn't make me perfect, it makes me a meanie. but being a meanie, i have to be ready to face people who are mean to me as well. you must be prepared to take as much as you dish out. :D

gillboard said...

pereho lang tayo, ako din medyo mapanlait pagdating sa mali-maling ingles... kaya madalas magtagalog na lang ako, para di ako gantihan... hehehe

gege said...

woooahhh????!
nakonsensya ka ata bigla!
hehe.
aminado akong wala talaga akong binatbat sa ganitong usapin.
kaya nga madalas tahimik na lang ako.
:))
takot kasi akong magkamali, kasi pagnagkamali ka... may mga taong ipaparamdam sayo na..
"MALI KA!!!!!!!'.
naalala mo pa ba yung ADLIB sa ALIBI?
haha!
edi mali...! so mas magaling na sila sakin ngayun???
di din...
DAMATH na lang!!!!!!
:))
dahil dyan, magsisikap talaga akong matutong magENGLISH in a GRAMMATICALLY CORRECT way.
:))
nga pala!
may bago akong napag alaman tungkol kay AuBo.
hindi pa man ako nagsisimulang magTALK sa seminar namin, may panglilibak nakong natanggap mula sa kanya.
haist.
matatawag na insecure ang mga taong kailangan i-uplift ang sarili para maramdaman na MAS sila.
sana mabasa nya'tong post mu.
at mabasa nya koment ko.
:))
natuwa ako sa title...:)

Anonymous said...

Todo relate naman ako. Haha. I don't know why but I find it irritating. Lalo na pag todo ere yung nagsasalita tapos pag napakinggan mo naman eh halu halo ang inggles na kelangan mo pang himayin na parang pick up sticks. Pwede naman magkaintindihan sa Filipino. Kung gusto nila mag English eh sana naman siguraduhin rin nila na hindi labag sa mga batas ng grammar ang pag construct nila ng sentences. Kung hindi, mag Filipino nalang sila. Yun siguro yung dahilan kaya nakakaramdam ako ng kakaibang fulfillment pag pinopoint out ko ang maling grammar ng iba. Hehe.

Badong said...

HAVENLEI: totoo yun, bunga na rin ata yun ng colonial mentality natin.

LEOMAR: mabuti sana kung yung nanlalait ay may ginagawa para mapabuti yung sitwasyon, di ba?

ROY: oo nga po e! pero wrong grammar pa rin yung ginagamit ko. hehe

Badong said...

FATHERLYOURS: ako na po ang magso-sorry para sa mga anak niyo! salamat sa pagbisita!

ZORLONE: naku wala po talaga akong
kilalang artista sa personal. base lang po yun sa mga napapanood ko sa mga interviews nila. at wag po kayong mag-alala. your english is pine.

Badong said...

NEBZ: tumpak! kaya nga idol ko sa
pagsasalita si Chiz (sa pagsasalita lang) tsaka si Atom Araulio dahil pareho silang bihasa sa paggamit ng 2 wikang yon.

BATERYA: haha! sana hindi nagbabasa ng mga blog yung kaibigan mo!

SUPERJAID: totoong totoo. kung tutuusin nakaka-nosebleed din pag nakakarinig ka ng mga nagsasalita ng purong tagalog e.

Badong said...

XPROSAIC: pwede! pwede! ang problema, pag mapanlait ka, mas madalas sa hindi,
insecure ka. kaya mahirap ding tanggapin pag nilait ka na ng iba.

ABANIKO: naisip ko lang ngayon.hindi pala mga mali sa pag-i-english ang nilalait ko. pati rin sa pananagalog. hehe

Badong said...

DEEJAY: lahat naman tayo tinamaan dito e.and yes, I ah,, uhm,,, *nosebleed* LOL

GILLBOARD: haha! ako panigurado madami ng natanggap na ganti mula sa ibang tao.

Badong said...

GEGE: sabihin mo sa kanya, "I'd rather be dumb and have a multitude of friends rather than someone who can speak well but has a boring personality."

JC: haha! ako rin. prang na-self actualize na ko pag nanalait ako. joke

gege said...

woooOOh!

boring personality???

di lang!

mas malala.

ayoko talaga sa kanya.

di ko na sya pagaaksayahan ng panahon para i-define kung anu ba talaga sya.

di xa nageexist.

mas gusto ka na si MoBu.

salamat sa pakikisimpatya ng galit.

haha!


:))

siyetehan said...

equally related sa topic, galit na galit naman tayo sa mga forenjers kapag nilalait nila ang lahing pinoy.

:D

Yodi Insigne said...

Sa Pilipinas lang ata big deal ang grammar, yung ibang Asian countries maunlad naman kahit di magaling sa Ingles.
Kahit nga si Obama nagkakamali sa grammar.
Sa Pilipinas kasi naging batayan na nga na pag magaling daw mag Ingles, sosyal at matalino...

Badong said...

SYETEHAN: yun nga e, walang sportsmanship! hehe. kapg nilait ka dapt magpalait ka rin!

YODZ: totoong totoo. ay eewan k ba saten.

EngrMoks said...

ako naman...mapang asar sa kapwa ko basta yung level nya sa englisan eh mababa sa level ko..heheh..kaya nga engineering ang tinapos ko kasi mahilig ako sa numbers at bopol ako sa grammar...

Badong said...

MOKONG: siguro yun nga yun, nilalait natin yung mas mababa satin para kahit panu pakiramdam natin e angat na angat talaga tayo.

Grace said...

Pero nang dumating ako dito sa States, wala na yang proper grammar, kasi sila din, mali ang gamit.
Mabuti pa nga tayo maraming wikang alam. :)

Ken said...

Me dahilan kung bakit ang bawat wika ay may alituntunin sa kung paaano ang wastong pagsasalita o pagsulat nito o yong tinatawag nating balarila o "grammar" sa wikang "English". Ito ay upang maipaabot natin sa ating kinakausap o babasa sa ating isinulat ang mensahe na gusto nating paabutin sa paraang malinaw na malinaw. Bilang respeto ayaw nating aksayin ang mahalagang panahon ng ating kinaukausap o mambabasa sa pagpapahirap sa kanila na maintindihan kung ano man ating pinagsasabi. Kaya anumang wika ang gagamitin natin dapat pagtuunan ng pansin talaga ang "grammar". Ito ay pananaw ko lang naman.

Dami mo nga makikita na mga "lapses" sa "English grammar" sa mag Pinoy "blogs". Minsan matatawa ka na lang. Pero naiintindihan ko naman kasi banyaga yong wika. Ang importante lang pagigihin natin na matuto sa wastong pag-ingles kasi hindi pwedeng dahilan natin lagi eh dahil sa di natin ito sariling wika.

Ang nakakapagpadugo lang sa aking ilong yong ilan sa atin na sumusubok na ipakita na magaling sila sa Ingles sa pamamagitan ng pagdugtong dugtong ng mga salitang ewan ko kung saan nila pinagpupulot na pati sila mismo alam ko di nila naiintindihan ang pinagsusulat. Mga yon ang masarap libakin he he

Xenxa na napahaba

Sound Sans Sense said...

K lang sa akin yong mali maling grammar basta me laman yong sinasabi. Ang nakakainis ay byong mali mali na nga ampaw pa.

Unknown said...

its ok to be "gramatically incorrect" kung english ang usapan pero kung sarili mong wika ay magkakamali ka pa e ibang usapan na yon.

im a newbie here and base sa mga nabasa ko- 2 thumbs up ang blog mo. :}

jan geronimo said...

Ang galing pagkadevelop ng post mo, Badongskie.

Matanong ko lang. Pag ikaw ba sinabihan ng nosebleed mga posts mo, Badong. How do you feel? Flattered ka ba? Masasaktan ka ba o matutuwa.

Interpretation ko dyan pag nag nosebleed un bumasa ay bad. As in parang pinarusahan ko sila. O na-torture sa pagsulat ko.

May nakasama kasi ako sa isang event. Sabi nun isa nosebleed daw posts ko. Deep inside frustrated ako, so I told them. Alam nyo ramdam ko failure ako pag sinasabihan ako ng ganyan. Ibig sabihin di malinaw ang mensahe ko.

Yun maganda kong kaharap nagpaliwanag it's a form of praise daw. In that context, ibig sabihin daw ay malalim pagkasulat. Two other persons on the table agreed with the lady blogger. So I shut my trap.

Inisip ko na lang they're just being polite kasi magkaharap kami.

So tanong ko, Badongskie. Ano ba talaga meaning nyan salita na yan? Has it evolved to something else na di ko alam?

Reyjr said...

hahah! guilty as charged.

hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko, kaya ang ginagawa ko na lang ay ibinubulong ko yung tamang word/grammar sa sarili ko. kapag hindi ko kasi ginawa yun parang may makati sa dibdib kong hindi ko maintindihan (Doc Z, is this a manifestation of something psychological? hehe!)

pero tama ka, mali mali din ako! kelangan pa ng praktis. heheh!

Badong said...

GRACE: parang tayo, wala na rin tayong pake kung mali yung grammar natin sa filipino.

KEN: haha! oo nga medyo napahaba pero ok lang, makabuluhan naman lahat ng sinabi mo e.

Badong said...

SSS: haha! natawa ako dun sa ampaw! salamat!

VONFIRE: naku, salamat ng marami!

Badong said...

JAN: it depends. minsan kasi alam ko namang nagjo-joke lang sila pag sinasabing ninonosebleed sila sa gawa ko. pero tama ka, minsan pag sinabihan ka ng ganon, parang tinatanong ko sa sarili ko, 'natuwa kaya sila sa sinulat ko? o nayabanagan lang dahil sa mga salitang ginamit ko?'. ngayon ko lang talaga siya naisip, thanks Jan!

REYJR: haha! ako rin! yan nga yung ginawa ko kanina sa seminar na inattendan ko. bumulong na lang ako sa sarili ko

admin said...

yap nakakanose bleed nga yan..hehehe..ang mga pinoy pa naman mapamuna sa wrong grammar.hehehe

joan said...

..grammatically incorrect pala? hehe. nose bloods naman. ahmf. hehehe. padaan lang po. :p

The Lady in Green Ruffles said...

hehe, ganyan din ako, akala mo kung sinong kagalingan..pero keribels lang..

Badong said...

CRISIBOY: oo nga, laht tayo guilty.

JOAN: hehe, we all learned something new!

JOYCE: haha! iniiisip ko nga kung ilang tao na nakapang-libak sakin dahil sa mali kong grammar e

Better Than Coffee said...

"nosebleed" is my favorite word. :)

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

Badong said...

NOBE: bakit naman?

ark said...

Oh my godliness!

I didn't knew that I is grammatically incorrect whenever I told my freinds that they are wrong grammar.

Hehe..

2ngaw said...

may award ka sa pahina ko, bilang pagsuporta sa KaBlogs :)

Badong said...

ARK: hehe. at least you knows!

LORD CM: thank you po!

Unknown said...

Wag pong kalimutang mag email sa KaBlogs para makuha ang inyong award na sinadyang para sayo

pmm012 said...

korek kayong lahat. sa totoo lang, kung diretso man ang ingles ko, utang ko lahat kay NANCY DREW! kung di ako nag-effort n mgbasa ng mga librong dilaw na yan, malamang kinakalawang din ako sa ingles ngayon! siguro sanayan na lang din yan. di ko nman talaga iniisip yang mga subject-verb agreement n yan. basta kung pangit pakingan, mali!

Badong said...

PMM: haha! parehong-pareho tayo. dati pag may test sa grammar kung ano lang uyung magandang pakinggan yun na!

gillboard said...

kaya tagalog ako magsulat.. ayoko nililibak ang ingles ko...

kasi mas malala ako mamuna pag malimali inggles ng kakilala ko.. hehehe

Eric : Blog De Manila : Philippine Blog said...

ok lang sa akin ang mga wrong grammar na yan kahit pa grammatically incorrect.

ang ayaw ko yung mga nagpupulis-pulisan.

kaya bili ako kay Randy David, ang talas nyang mag-Tagalog kahit alam mong bihasa sya sa pagsasalita ng English.

Better Than Coffee said...

mas komportable ako sa written english. hehehe. nag call center ako for 2 years pero nahihiya pa rin akong mag english sa harap ng maraming tao. :)

love,
nobe

www.iamnobe.wordpress.com
www.deariago.com

Kosa said...

congrats.
ito ang isa sa mga post na kaabang-abang sa PBA.

goodluck

elleica said...

sigh. the english language. ever changing. dynamic.

malay natin sa kakagamit ng pinoy ng ingles ay magkaroon na ito ng bagong branch related sa pinoy. in fact meron na - FILIPINISMS.

at dahil an dami call center sa bansa, di maiwasan na madami na ang nag-iingles. pero sabi nga sa Filipino subject ko noong college, ang wika daw ang sumasalamin sa identidad ng ating bansa bilang isang nasyon at kaakibat nito ang ating pag-unlad. (blah..blah..blah..nag post narin ako ng article sa mahabang diskusyon na to).

nweiz, natuwa nman ako sa post mo. epistaxis (nosebleed) nga ang Ingles sa karamihan. :D

reymos said...

Maganda ang hangarin ng inyong sinulat! Sana tulad ko rin, minsan ganun rin ako pero natutunan ko rin na maging mapang-unawa sa ating kapwa hindi lamang sa pagsalita, kungdi sa pagsulat!

Maraming salamat sa paalala na banyagang wikang Ingles ay hindi batayan ng ating kaalaman, ngunit ito'y makatutulong sa pag-unland ang ating mga sarili lalung-lalo na sa pamumuhay sa ibang bansa... Mabuhay!

Mr. Sim-Ple said...

tama ka jan bopol, may mga tao na na kungpag-usapan ang ibang tao eh walang preno pero kapag sila na ang pinag-usapan, naku daig pa nila ang batang inagawan ng kendi sa pagwawala..lol