Monday, September 28, 2009

Surprise Visit

Sigurado ako naranasan niyo ng maligo sa ulan. E ang mag-swimming sa baha? Ako oo! Dalawang beses pa.

Una, noong nasa elementarya pa ako. Ang saya-saya naming mapi-pinsan habang feel na feel naming inaanod kami ng tubig baha. Walang pakialam kesyo may mga lumulutang na mga ipis o kung anu-ano pang mga bagay na produkto ng tiyan ng tao at hayop. Pangalawa, heto at sariwa pa sa alaala ko. At siguradong habang buhay nang tatatak sa aking gunita.

Araw ng Sabado, nagising ako sa tunog ng ulan na walang tigil sa pag-patak sa bubong namin. May bagyo nga pala, sabi ko sa sarili ko. Sumilip ako sa bintana. Lampas talampakan na ang baha! Napangiti ako. Sa buong Marikina kasi, isa ang lugar namin sa mga bihirang bahain.

Pagkatapos mag-ayos at dumiretso ako sa kusina at tinulungan sa pagluluto ang Mama ko. Habang nagpi-prito ng tosino ay aliw na aliw naman akong pinagma-masdan unti-unting pag-akyat ng tubig sa labas.

Mga nasa limang pulagada na siguro ang lalim. Ilang minuto ang lumipas. Nasa binti na ng Tito ko. Ilang minuto pa ang nagdaan. Halos maabot na ang tuhod niya. Ilang sandali lang ay papasok na ang tubig. Hindi rin nagtagal at nangyari na ang kinatatakutan mg Mama ko. Dali-dali naming inangat ang mga gamit sa baba ng bahay, kasama ang washing machine na nakaligtaan naming meron pala kami.

Pero walang mababakas na pag-aalala sa aking mukha. Totoo nyan, naka-ngiti pa ako. Sabi ko nga, bihira lang kasing mangyari ang ganito.

Walang tigil ang pag-ulan. Wala ring tigil ang pagtaas ng tubig. Mabilis. Ilang minuto uli ang lumipas. Hanggang tuhod na ang tubig sa loob ng bahay. Hindi na namin alam kung ano pang pag-angat ng gamit ang gagawin namin. Pinabayaan na lang naming lumutang ang sopa.

Dahil basa na rin, lumabas kami ng bahay. Hanggang hita na ang tubig. Sa galak ay nakuha ko pang kumuha ng mga litrato.

Umakyat na sa bewang ko ang tubig.

Nawalan na ng kuryente.

Nag-patuloy kami sa pag-salba ng mga gamit.

Hanggang tyan ko na ang baha.

Nawala na ang tuwa.

Nanginginig na ang buo kong katawan. Pakiramdam ko lulan ako ng barkong Titanic at pinagma-masdan ang unti-unting paglubog nito.

Nagpasya na akong umakyat. Wala na rin kaming magagawa nung mga panahong iyon. Nakuntento na lang ako sa pagma-masid ng mga kaganapan mula sa terrace. Naaawa kong pinag-masdan ang mga pusang nilalamig sa bubong nga mga kapit-bahay, ang mga batang inililikas ng mga magulang. Isang kapitbahay ang dumaan sa tapat at nag-dala ng masamang balita – meron na raw namatay. Nalunod.

Muli kong binaling ang atensyon sa ulan. Hihinto rin yan maya-maya, sabi ko.

Lumakas ang hangin. Tumaas pa ang baha.

Hanggang sa dumilim. Naalala ko, wala nga pala ang Papa ko. Nandun sa kaibigan niyang nag-iisa at may sakit. Sabi ng Tito ko, hanggang balikat na raw ang tubig sa labas. Wala namang second floor dun sa bahay ng kaibigan ng Papa ko, naisip ko bigla…

Lumalim ang gabi. Hindi ko na alam kung gaano na kalalim ang tubig sa labas. Pumikit ako at nag-dasal. Di nagtagal, naramdaman ko na lang na uminit ang hangin. Tumigil na rin ang ulan. Tahimik akong nag-pasalamat at nahimbing.

Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Tapos na. Sumilip ako sa bintana at nasambit ang, “PUTIK!”. Andyan na rin si Papa. Balik na uli ang lahat sa dati – o siya nga ba?

Buong araw kaming nag-ayos at nag-linis ng mga bakas na iniwan ni Ondoy, ang di inaasahang bisita. Bakas ang pagod sa mukha ng bawat isa. Bawat pag-buhos ng tubig at pag-kuskos ng namuong putik may kakambal na buntong-hininga.

Gabi na ng muling bumalik ang kuryente. Agad kong binuksan ang TV at naabutan ang mga balita tungkol sa nakalipas na bagyo. Libu-libo ang na-apektuhan. Hindi iilan ang nasawi. Marami pa ang kailangang tulungan. Muli akong napa-pikit. Sinabi ko sa sarili, maswerte ka pa talaga.

33 Comments:

Random Student said...

Same feeling here. Mabilis ang mga pangyayari, dude. Sa umpisa I was amazed na I was out under the rain which I missed doing since childhood lalo na recently after the swine flu pandemic. Pero nag-iba ang lahat nang nag-a-la The Day After Tomorrow sa ilog ng lugar namin. It was nice na 'di kayo nag-panic at makalmang dineal ang mga nangyari.

pmm012 said...

at this time, we all have to look a the brighter side. a lot have lost thier homes entirely, even loved ones. Hope you can get get things in order at your end as soon as possible. God bless.

Xprosaic said...

Nagulat nga ako nung nakita ko sa TV ang nangyari... lalo na nung nakita ko sa may bandang SM marikina... sigurado ako inabot ang bubong ng bahay ng kaibigan ko doon kung saan ako nagstay noon sa marikina... well feeling ko lang kasi naman halos abutin na ng tubig ang flyover eh... jijijijijiji... but buti naman at di naman ganun ka raming buhay ang nawala... well sana hindi na madagdagan ang bilang...

EngrMoks said...

naku pare maswerte pa rin talaga tayo at walang masyadong masamang nagyari sa atin..pagdasal na lang natin na sana hindi na maulit ang ganitong kadilim na pangyayari.

A-Z-3-L said...

nice to hear that ur family is ok...

continue praying...
and let us help the victims.

maraming nabuhay... mas kailangan nila ang tulong.

sana maging naayos muli ang lahat. napaisip tuloy ako: paano na ang pasko sa marikina?

Badong said...

RANDOM STUDENT: totoo nga nyan, nakatawa oa kaming buong mag-anak. kinabukasan na lang ata nag-sink in samin yung nangyare.

PMM: thanks bro! that's what we're doing now, looking at the brighter side.

Badong said...

XPROSAIC: oo nga e. uy salamat nga pala sa message sa twitter!

MOKONG: tama, mas maraming mga bagay na dapa tipagpasalamat.

AZEL: ayun! mukha namang magiging ok ang pasko dito. sana.

elmot said...

I love swimming, lalo na sa baha kasama ng mga yellow submarines!!! Sa Malabon kami dati at sarap maligo, only now though that I realized na sobrang yucky pala ng trip ko dati eheheh!

Traveliztera said...

I'm happy that you guys are totally okay... onga e parang titanic dating... =( but at least you and your family were safe... buti rin na hindi napano papa mo... take care always!!!

Vajarl said...

Now that we look back, it seems weird. Storms usually hit the provinces, and well, the metro was in for a surprise apparently. Someone told me that the flood was caused by the dams, well most of them at least, I am not sure.

It's very depressing, and it doesn't help that we can't do much especially when we see other people fight their way through Ondoy. I guess we just have to be thankful that we were able to survive, and pray for those who didn't. But it is still very, very sad.

Xprosaic said...

jijijijiji... xempre iba yung feeling pag may kakilala ka na nandoon... kaya nangangamusta ako...

zorlone said...

Badong,

Maswerte pa rin tayo. Ako naman taga Malabon, pero hindi naman nababahala sa baha dahil mataas sa lugar namin.

Linggo na ako nakauwi sa bahay dahil na-stranded ako sa Makati. May mga kamag anak kami na naki-pisan sa bahay. Hanggang dibdib ang tubig sa bahay nila.

Ang tindi ng mga nangyari sa mga kababayan natin.

Z

siyetehan said...

malalampasan din natin yan.

babangon ang pinoy, panigurado yan.

gemroy said...

may parating pa daw na isa. sana hangin nalang wag na ulan. na-add ko po itong blog sa blogroll ko. please link back.

jan geronimo said...

I'm glad you're okay. Nakakasuspense naman nangyari sa Papa mo.

Magaling ka rin palang magsulat sa Filipino. English, Filipino it's all the same to you.

Staff ka ba ng university paper? Editor? Wala lang. Impressed lang ako. ",)

Badong said...

ELMOT: kahit ako nandiri sa mga trip ko nung bata e! kamusta na pala ang lagay dyan sa malabon?

STEPH: oo nga e! buti na lang talaga..kayi musta?

VAJARL: I agree. but times like these only make us stronger, and wiser? hopefully.

Badong said...

ZORLONE: hi Doc! naku kamusta naman ang bahay ng mga kamag-anak niyo ngayon? mahirap sabihiing sana ok lang sila kasi malamang sa hindi marami agn nasira. haay.

SIYETEHAN: tumpak kaibigan!

Badong said...

DEMROY: yun nga ang matindi e. may parating na naman. sana lang hindi siya kasing lakas ni ogoy. let's keep praying.

JAN: oo ga e! buti na lang paggising ko kinabukasan boses niya agad yung narinig ko.

pinapataba mo na naman ang puso ko Lolo Jan. haha! nope, hindi po ako member ng school paper. sana nga lang! nung elemtary oo, pero editorial cartooning ang pinagka-abalahan ko nun.

Vajarl said...

Stronger, maybe. Wiser? I don't think so. XD But I really do hope most of us get through this taking somehing that may improve us.

I just transferred to Wordpress BTW.

madz said...

OO, mapalad ka pa rin dahil may nalabi ka pang buhay para magsimulang muli. Nakalulunos isipin na marami ang nagbuwis ng buhay dahil sa hagupit at lupit ng bagyo. Mapalad tayo, pero magdasal pa rin tayo para sa nangangailangan. At magpasalamat tayo sa biyaya ng buhay mula sa Maykapal. Ü

Jena Isle said...

Hi Badong,

Parang replay ang post mo sa nangyari sa amin kani kanina lang. Ang lakas ng ulan at ang bilis ng taas ng tubig. Sa loob ng mahigit isang oras lang, nakapasok na ang tubig sa bahay. Kung hindi pa tumila ang ulan malamang naglipat din kami ng di oras.

Ngayon, katatapos lang namin naglinis ng yucky ring tubig na pumasok. Ganyan talaga ang buhay, kelangan lang nating lumutang at matutong kumampay sa agos para di tayo malunod.

Mabuti naman at okay na kayo diyan.

Anonymous said...

Naawa ako sa inyo and while reading yourself, I was imagining na sa amin nangyari yun. My family in Antipolo is okay naman. Hindi pinasok ang bahay namin dahil mataas ung lugar but up until now, I haven't heard anything about my other relatives in Marikina.

You were strong. I'd be panicky if that same thing happened to me. I'm glad it's over now for some but I heard marami pa rin ang naghihirap dahil kay Ondoy.

Tomorrow, I'd be talking to some of my friends here para makapag-ipon kami ng pwede naming i-donate para sa mga nasalanta. I hope I get many positive responses para mas maraming matulungang kababayan.

Godbless to all of us.

Badong said...

VAJARL: ay oo nga pala, thnaks for reminding me!

MADZ: totoo, we should be thankful that we're safe.

Badong said...

JENA ISLE: hello miss jena! nakow, hanggang kahapon pala umuulan pa rin? mag-ingat po kayo dyan!

NEBZ: thank you kuya nebz! kayang-kaya natin lahat to!

Leomar said...

Nakakaawa yung mga taong sobrang nasalanta ng bagyong ito. Buti na lang at hindi binaha yung apartment ko sa QC pero nakakapanlumo pa rin kapag nakikita mo sa TV yung mga taong namatay at nawalan ng tirahan.

To think na may parating na namang super typhoon. Let's pray na wag na itong makadagdag sa kalbaryo natin.

elmot said...

matagal na kaming wala sa malabon bro, kasi dahil nga baha lagi kaming nagkakasakit.

dito na kmi sa bundok ng dasma, cavite ehehhe

Anonymous said...

Congrats, Badong.

Two of your posts landed as finalists for the Top 10 Best Posts sa PBA.

Good luck po. You deserve it.

taympers said...

naaliw ako sa mga posts mo, very true. pero itong huling post ang medy kinirot ang puso ko, nakakalungkot kasing isipin ang hinatid ni bagyong ondoy.di bale makakaahon pa naman tayong mga pilipino. congrats nga pala napasok ka sa PBA.

Reyjr said...

:(

I share your sentiments. Ako rin nung una pa picture picture pa. Dinala ko din camera ko sa rescue attempts namin. Pero hindi ko nilabas. Masyadong malungkot e.

Xprosaic said...

At hanggang ngayon di pa rin normal ang situation... hayz...

Better Than Coffee said...

miss ko na ang maligo sa ulan. ang two year old kong anak pinilit ko talagang maligo sa ulan. :)


love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

Jag said...

I love how you delivered the story...ang weird pro gnyan din ako kung minsan may excitement n nraramdaman sa loob everytime my kakaiba na ngyayari sa paligid ko...anyways sana ok n kau jan.

yanmaneee said...

russell westbrook shoes
stephen curry shoes
nike air max 2017
golden goose sneakers
jordan shoes
zx flux
christian louboutin outlet
nike foamposite
longchamp
yeezy