Thursday, May 29, 2008

Huli Ka!

Minsan sa buhay ng tao talagang may dumarating na kamalasan. Bigalan. Di inaasahan. Bigla n lang bubulaga sa harap mo at para ka ng binuhuhsan ng malamig na tubigdahil hindi mo maisip na mangyayari ‘yon.

Haay.. .

Sa kaso ko, ‘yun ay ang mahuli ng TC (Team Captain) ko na nag-bubukas nitong Multiply na ‘to at makitang nag-sasaksak ng USB sa hinayupak na PC na ‘to. Akala ko talaga sa aking pag-pasok ngayong araw sa korap na opisinang ‘to e bubungad sa ‘kin ang isang naghe-hello na Memo. Awa ni Buddha, hindi naman. WOOHOO!
Kaya nga nababasa niyo pa ‘to e. TUT.