Tuesday, April 1, 2008

BAKASYON

Ang utak ko’y laging tulog
Lumilipad, inaantok
Nag-iisip, pero ‘di naman maisip
Mga bagay-bagay na ‘di ko mawari...

Ang utak ko’y laging tulog
Nalulumbay, nagmumukmok
Naiinip, naghihintay maliwanagan
Mga tanong kong walang kasagutan...

Ang utak ko’y laging tulog
Nangangarap..tumatayog
Ngunit nang malapit ng maabot ang rurok
Saka binalot ng isang bangungot…


[Bored]

0 Comments: